BUKID AY BASA (Part 12 PAG-AANGKIN)

PES Certified Hit

Si Adel ay isang basal na bukirin na handang magpalinang sa mapagpalang araro ni Greg. Isang bagong bukid na aalagaan at aangkinin ni Greg.

..

“Dito tayo sa may pala-isdaan…” yaya nya sa akin. May maliit na batis na umaagos mula sa di kalayuang bulubundukin na  nilagyan ng embankment na konkreto. Lahat ng tubig sa palayan ay dito bumabagsak. Hinulugan ito ng mga binhi ng tilapya. Makikita ang mga isda na kawan-kawang lumalangoy sa tubig.

May munting-pahingahan doon na isang maliit na kubol. May upuan na kawayan na may sandalan at nakaharap sa tubig.

Tahimik ang agos ng batis na humahantong sa ibaba ng isa pang embakment na higit na mas mababa at may water pump na siya namang nag-i-irigate sa mga rice paddies sa may bandang itaas.

Hindi pa naglilinang ng bukid sina Ador.

“Pagkatapos pa ng birthday ko saka sina Papa magpapa-linang ng bukid…” sabi ni Adel.

“May iba pang negosyo si Papa sa Iligan…” dugtong pa ni Adel, “ si Ate Rosanna ang namamahala doon…”

 

Naka-upo lang kami sa upuang kawayan. Hinahagisan nya ng feeds ang mga tilapya sa tubig habang naka-upo kami sa upuang kawayan.

Parang nakakatamad ang umagang iyon. Malamig ang simoy ng hangin. Nanunuot sa pang-amoy ang mabining amoy ng palayan. Yung mga amoy ng giniikan. Ang mga natuyong dayami. Ang amoy ng putik sa pala-isdaan.

Lagi nang nagdudulot sa akin ng mga nostalgic na ala-ala ang simoy ng hanging bukirin.

Nagbabangon ng iba-iba...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow